iMINDSPH
Tinungo ng Health Ancillary Services ng Project TABANG ang mga Rural Health Units ng Datu Anggal Midtimbang, Talayan, Guindulungan, Datu Saudi Ampatuan, Datu Hoffer Ampatuan, Datu Unsay, at Shariff Aguak sa Maguindanao del Sur-
At itinurn over ang basic healthcare kits a-26 ng Setyembre.
Namahagi rin ng mga libreng gamot ang Project Management Office ng programa araw ng Biyernes, ika-27 ng Setyembre 2024.
Ngayong araw ng Miyerkules, a-2 ng Oktubre, tuloy sa pamamahagi ng libreng gamot ng programa para sa mga nangangailangan na Bangsamoro.
Ang iskedyul para sa libreng gamot ay tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes lamang.
Para sa mga nagnanais kumuha, pumunta lamang sa Project Management Office (PMO) at dalhin ang mga sumusunod na dokumento:
*Isang (1) photocopy ng valid ID na may lagda at address
*Isang (1) orihinal at isang (1) photocopy ng pinakabagong reseta mula sa doktor.
Comments