top of page

Proposed amendments sa draft ng Bangsamoro Revenue Code, tinalakay na ng Committee on Ways and Means ng BTA Parliament sa nakalipas na 3 araw

iMINDSPH


Binusisi ng Committee on Ways and Means ng BTA Parliament para sa proposed amendments ilang key provisions ng draft ng proposed Bangsamoro Revenue Code, araw ng Lunes.



Ni-review ng komite ang structure ng code, at tinalakay ang alignment nito sa Bangsamoro Organic Law.



Pinag-usapan din ang integration ng digital technologies para mapahusay ang revenue collection system ng rehiyon.



Ang mga probisyon naman hinggil sa real property at business taxes ang sentrong usapin, araw ng Martes sa pagpapatuloy ng proposed amendments sa panukalang batas sa lebel ng komite.



Kabilang sa mga proposed amendment na inaprubahan ay ang digital publications sa ilalim ng business tax para sa printing and publication.



Sa ikatlong araw ng paglalatag ng proposed amendments, tinalakay naman ng komite araw ng Martes ang usapin sa natural resource, excise at miscellaneous taxes.



Inatasan naman ang Ministry of Finance, Budget, and Management na ireview ang excise tax sa plastic bags para makatulong sa pag reduce ng plastic use.



Tinalakay naman ngayong araw ang iba pang probisyon ng proposed code.

Comentarios

Obtuvo 0 de 5 estrellas.
Aún no hay calificaciones

Agrega una calificación

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page