top of page

Proposed Bangsamoro Commission On Early Childhood Care And Development dapat agaran nang maipasa sa BTA Parliament ayon kay MP Tomanda Antok

  • Feb 24
  • 1 min read

iMINDSPH



Pormal nang inihain sa BTA Parliament ang proposed Bangsamoro Commission on Early Childhood Care Development o Parliament Bill No. 438.


Ayon sa isa sa mga principal author ng panukalang batas, MP Tomanda Antok, dapat agaran na maipasa ang proposed measure base na rin aniya sa pag-aaral na kritikal sa brain development at lifelong learning ng bata ang unang 1,000 araw nito.


Ayon sa ibinahaging impormasyon ng mambabatas, sa BARMM, 34.3% ng bata ay stunted, pinakamataas umano sa bansa, na direktang nakakaapekto sa health at learning ability.


64.7% lang ang functional literacy rate, at mas mababa pa sa ilang provinces.


Halos 44% ng batang edad 3–5 din umano ay walang access sa ECCD programs, habang 15% lang ng kinakailangang child development workers ang mayroon.


Pagsasamahin umano sa proposed legislation ang health, nutrition, early learning at proteksyon para sigurado umanong walang batang mapag-iiwanan.


Kasama sa mga principal authors ng proposed law si BTA Deputy Floor Leader, Atty. Naguib Sinarimbo, Atty. Kitem Kadatuan Jr., Dr. Ibrahim Ibay, Abdulbasit Benito, Alindatu Pagayao, Butch Malang at Ma-Arouph Candao.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page