Proposed Bangsamoro Commission on Population Management and Development at Pilgrimage Leave Act of 2025, aprubado na ng Committee on Rules ng BTA
- Diane Hora
- Sep 19
- 1 min read
iMINDSPH

Inaprubahan na ng Committee on Rules, araw ng Huwebes, September 18 ang proposed Bangsamoro Commission on Population Management and Development o BCPMD at pagbibigay ng special leave para sa government officials at employees na magpe-perform ng pilgrimage.
Layon ng BTA Bill No.110 o ng Bangsamoro Commission on Population and Development Act of 2022, na magtatag ng dedicated commission na tututok sa population management at development sa rehiyon.
Sinabi ni COR Vice Chairperson Atty. Suharto Ambolodto na tututukan ng komisyon ang population growth at dynamics, na magtitiyak na mananatiling responsive sa unique cultural context ng BARMM.
Nakatakdang makipagpulong ang komite sa Committee on Finance, Budget, and Management sa susunod na linggo para talakayin ang budgetary requirements para sa BCPMD.
Samantala, aprubado na rin ng komite ang consolidated version ng BTA Bill Nos. 276 at 282, o ang Pilgrimage Leave Act of 2025.
Sa ilalim ng panukalang batas, ang officials at employees sa rehiyon na tatlong taon nang nagtatrabaho at magpe-perform ng pilgrimage ay bibigyan ng one-time, 22-day paid leave.
Ipinalinawag ni Atty. Ambolodto na ang pilgrimage sa ilalim ng bill ay kinabibilangan ng acts of worship at iba pang spiritual exercises ng mga empleyado ng iba’t ibang relihiyon o paniniwala.
Naghahanda na rin ang komite para sa pagsumite ng report sa plenary para sa deliberasyon sa susunod na mga linggo.



Comments