Proposed measure na babaan ang required membership para makabuo ng regional political party at panukala na alisin ang “None of the Above” option sa parliamentary election ballots, tinalakay sa public
- Jan 15
- 1 min read
iMINDSPH

Inilahad sa mga stakeholder sa ikalawang yugto ng isinagawang public consultations sa Tawi-
Tawi, araw ng Miyerkules, January 14, ang kanilang saloobin hinggil sa Parliament Bill No. 419, na nagmumungkahi ng amendments sa Bangsamoro Autonomy Act No. 35.
Kabilang dito ang pagbaba ng required membership para makabuo ng regional political party mula 10,000 pababa sa 5,000 registered voters, pati na ang revisions sa party registration at representation rules.
Sa ilalim din ng panukala, itinatakda ang 20 percent minimum quota para sa women nominees, pinananatili ang two-percent vote threshold para sa party representation seats, at naglalatag ng bagong certification process para sa sectoral organizations
Tinalakay rin ang Parliament Bill No. 396, na nagmumungkahi na alisin ang “None of the Above” (NOTA) option sa parliamentary election ballots.
Ayon sa mga mambabatas, layon nitong maiwasan ang pagkakaroon ng unfilled seats, kasunod ng desisyon ng Korte Suprema na hindi awtomatikong maaaring manalo ang second-place candidate kung NOTA ang nakakuha ng pinakamaraming boto.
Ang public consultation ay pinangunahan ni BTA Floor Leader John Anthony “Jet” Lim, na bahagi ng region-wide effort ng Bangsamoro Parliament upang mangalap ng inputs mula sa iba’t ibang sektor kaugnay ng mga panukalang batas na asalukuyang sinusuri ng Committee on Amendments, Revision, and Codification of Laws.
Sa mensaheng ipinaabot ni Gov. Yshmael Sali, na binasa ni Edzfar Ladjahali, binigyang-diin na ang mga panukalang batas ay may direct impact sa governance at public services sa lalawigan at sa buong rehiyon.



Comments