iMINDSPH
Tuloy sa paggulong ang public hearing ng Ways and Means Committee hinggil sa proposed Bangsamoro Revenue Code. Target ng komite na maaprubahan ang panukalang batas bago magtapos ang taon.
Puspusan ang public hearing na ikinakasa ng Ways and Means Committee hinggil sa proposed Bangsamoro Revenue Code.
Isinagawa sa bayan ng Parang, Maguindanao del Norte ang isa sa mga pagdinig ng komite.
Target ng komite na maaprubahan ang panukalang batas bago magtapos ang taon.
Binigyang diin ni Committee Chair Paisalin Tago ang kahalagahan ng local resource utilization para isulong ang economic growth sa BARMM.
Siniguro rin ni Finance Minister at Committee Vice Chair Ubaida Pacasem sa mga stakeholders na ang proposed revenue code ay daan sa exploration ng diverse resources at income-generating opportunities para sa mga residente.
Nakatakdang ilunsad ng komite ang pampito at final round ng public consultations para sa proposed revenue code sa Maguindanao del Sur.
Comments