top of page

Provincial Accounting Office ng Maguindanao del Sur, pinalakas ang payroll compliance ng mga tanggapan

  • Jan 23
  • 1 min read

iMINDSPH



Lumahok ang mga kawani ng Provincial Tourism Office sa isang pulong na isinagawa ng Office of the Provincial Accounting, na pinamumunuan ni Atty. Hamseya Abpi, araw ng Huwebes, Enero 22, 2026, sa Provincial Capitol, Buluan, Maguindanao del Sur.


Tinalakay sa nasabing aktibidad ang mga updated guidelines at polisiya kaugnay ng payroll documentation at processing na ipatutupad sa lahat ng tanggapan ng pamahalaang panlalawigan.


Ipinresenta ni Karen Ampatuan Mangudadatu, Division Chief ng Payroll Section, ang bagong payroll process flow—mula sa paghahanda at finalization ng payroll draft, OBR at pre-audit, paggamit ng Payroll Credit System o PACS, paggawa ng salary voucher, hanggang sa releasing procedures.


Binigyang-diin din sa pulong ang mga mahahalagang timelines, kumpletong supporting documents, at ang tamang liquidation ng Medical Allowance, bilang bahagi ng pagsisikap na mapanatili ang katumpakan, transparency, at episyenteng payroll processing sa lahat ng opisina.


Sa kabuuan, pinagtibay ng aktibidad ang mas matibay na koordinasyon sa pagitan ng mga tanggapan at ang kahalagahan ng mahigpit na pagsunod sa itinakdang patakaran at iskedyul, bilang ambag sa mas transparent, mabisa, at accountable na pamamahala ng pondo ng Pamahalaang Panlalawigan ng Maguindanao del Sur.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page