top of page

Provincial Government ng Basilan, pinalalakas ang ugnayan sa pagitan ng Judiciary upang mapalawak ang access sa hustisya at mapalakas ang public trust

  • Jan 15
  • 1 min read

iMINDSPH


Sa courtesy visit ng mga Huwes sa tanggapan ni Basilan Governor Mujiv Hataman, tinalakay ang

mga paraan para mapalawak ang access sa hustisya at mapalakas ang public trust.


Bahagi ito ng pagsisikap ng Pamahalaaang Panlalawigan ng Basilan na patuloy na mapagtibay ang ugnayan sa pagitan ng Judiciary upang mas mapabilis at mapalinaw ang pagtugon sa pangangailangan ng mamamayan.


Ayon sa gobernador, ang hustisya ang isa sa mga haligi ng maunlad at mapayapang komunidad, at tatak ng matatag na pamahalaan saan mang sulok aniya ng mundo.


Nakaharap ng opisyal sa pulong si RTC Branch 1 Judge Leo Jay Prinsipe at RTC Branch 1 Family Court Judge Verna Kate Santos.


Dagdag ni Governor Mujiv, hangad niya ang serbisyo na may integridad, propesyonalismo at malasakit para sa bawat Basileño.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page