top of page

Provincial Government ng Maguindanao del Norte, bababa muli sa mga bayan para maghatid ng iba’t ibang serbisyo sa gagawing DTOM Convergence program

  • Diane Hora
  • Feb 4
  • 1 min read

iMINDSPH



Nagharap sa pulong ang pinuno ng iba’t ibang departmento ng pamahalaang panlalawigan ng Maguindanao del Norte para sa paghahanda sa gagawing convergence program sa susunod na linggo.


Pinangunahan ni Provincial Chief of Staff Bai Shajida Mastura ang pulong.


Inilatag ng mga department heads ang mga hamon at karanasan mula sa mga nagdaang covergence program.


Natukoy sa pulong ang mga isyung kailangang tugunan at ang mga posibleng solusyon na magsisilbing gabay sa mas pinahusay na implementasyon ng paparating na convergence.


Ang convergence program ang isa sa mga flagship programs ni Governor Datu Tucao Mastura na DTOM o Development, Transformation at Opportunity for Maguindanao del Norte.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page