Provincial Government ng Maguindanao del Sur, nagsagawa ng GiveHeart Medical Mission sa Mangudadatu sa pagdiriwang ng kanilang 19th Founding Anniversary at 10th Taruk Festival 2026
- LERIO BOMPAT
- Jan 30
- 1 min read
iMINDSPH

Layunin ng aktibidad na maihatid ang mga pangunahing serbisyong pangkalusugan at pangkabuhayan sa mga residente, partikular sa mga vulnerable at nasa malalayong komunidad.
Daan-daang residente ang naka avail ng libreng dental care, medical consultation, incision services (tuli), libreng gamot, reading glasses para sa mga senior citizen, at libreng gupit.
Nagkaroon din ng pamamahagi ng armchairs, tungkod (canes), at school supplies para sa mga nangangailangan, bilang suporta sa edukasyon at pang-araw-araw na pangangailangan ng mga pamilya. Dagdag pa rito ang feeding program para sa mga kabataan at pamamahagi ng bigas bilang tulong sa mga residenteng apektado ng mga nagdaang pagbaha sa bayan.
Ayon sa Pamahalaang Panlalawigan, ang programa ay bahagi ng patuloy na pagsisikap upang matiyak na ang bawat mamamayan ng lalawigan ay may akses sa de-kalidad na serbisyo, may malasakit, at may oportunidad sa pag-asenso.
Sa pamumuno ni Governor Datu Ali Midtimbang, patuloy na isinusulong ang mga programang may kongkretong epekto sa komunidad—mga serbisyong hindi lamang ipinapangako, kundi aktuwal na naihahatid sa mamamayan.
Pinagtibay ng GiveHeart Medical Mission ang diwa ng selebrasyon: serbisyong may puso, pagkakaisa, at patuloy na pagbabago—tungo sa mas malusog, mas maunlad, at mas mapagmalasakit na Maguindanao del Sur.



Comments