Provincial Government ng Maguindanao del Sur, nagsagawa ng Rapid Damage Assessment and Needs Analysis sa mga gusali sa kapitolyo matapos ang pagyanig ng malakas na lindol
- Diane Hora
- Oct 13
- 1 min read
iMINDSPH

Malakas na lindol rin ang naramdaman sa maraming lugar sa Mindanao kabilang na ang Maguindanao del Sur matapos yumanig ang 7.6 magnitude na lindol sa Manay, Davao Oriental.
Pinangunahan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office PDRRMO ang pagsagawa ng iRapid Damage Assessment and Needs Analysis o RDANA.
Pinangunahan ng PDRRMO ang agarang pagsusuri sa epekto ng lindol sa mga pangunahing pampublikong gusali, sa pakikipag-ugnayan sa Provincial General Services Office o PGSO katuwang ang Provincial Engineering Office PEO, Bureau of Fire Protection-Buluan, at ang Provincial Civil Security Unit.
Kabilang sa mga ininspeksyon ang mga sumusunod na pasilidad ng pamahalaang panlalawigan ay ang mismong Provincial Capitol, Maguindanao Women and Children Peace and Action Center Building na kasalukuyang ginagamit ng Buluan District Hospital, Negosyo Center, Legislative Building, Provincial Tourism and Pasalubong Center at PDRRMO Building.
Layunin ng RDANA na masuri ang kondisyon ng mga estruktura, matukoy ang mga pinsala, at malaman ang mga agarang pangangailangan para sa kaligtasan at suporta.
Ang resulta ng assessment ay magsisilbing batayan ng Pamahalaang Panlalawigan sa pagsasagawa ng mga hakbang pangkaligtasan at pagpaprayoridad sa mga kinakailangang pagkukumpuni, upang matiyak ang proteksyon ng mga kawani ng pamahalaan at ng mamamayang patuloy na gumagamit ng mga nasabing pasilidad.
Patuloy na nagmo-monitor ang PDRRMO sa mga posibleng aftershocks at inaabisuhan ang publiko na manatiling alerto at sumunod sa mga alituntunin sa kalamidad para sa kanilang kaligtasan.



Comments