top of page

Provincial Government ng Maguindanao del Sur, nakiisa sa pagdiriwang ng mga residente ng Barangay Kauran, Ampatuan ng kanilang ika-66th founding anniversary

  • Diane Hora
  • 14 hours ago
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Sa pagdiriwang ng Barangay Kauran, Ampatuan, Maguindanao del Sur ng kanilang ika-66th founding anniversary, nakiisa ang Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno ni Governor Datu Ali Midtimbang.


Isang patunay ayon sa provincial government ng matatag na pagkakaisa, katatagan, at patuloy na pag-unlad sa paglipas ng mga taon.


Kasabay ng selebrasyon, dinala ng Provincial Government ang programang “Serbisyong Handog sa Kabataan” — kung saan ipinamigay ang mga school bags, school supplies, at armchairs para sa mga mag-aaral.


Layunin nitong patatagin pa ang suporta ng pamahalaan sa edukasyon at kabataang Maguindanaon, bilang susi sa mas maliwanag na kinabukasan.


Sa temang “Kinaugalinon kag Tradisyon sang Katawhan, Mangindalan sa Paghupong kag Progreso sang Kauran”, ipinapakita sa okasyon ang malalim na pagmamalaki ng komunidad sa kanilang kultura at sama-samang pag-usbong tungo sa kaunlaran.


Ang ganitong mga pagdiriwang ay paalala ayon sa pamahalaang panlalawigan na ang serbisyong may puso at pagkakaisa ng tao ay sabay na nagdadala ng tunay na pagbabago — kung saan ang bawat tagumpay umano ay nagiging mas makahulugan dahil sa malasakit at pagkilos para sa kapwa.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page