top of page

PROVINCIAL GOVERNOR’S OFFICE NI BAI MARIAM SANGKI-MANGUDADATU, NAGSAGAWA NG TREE PLANTING SA AMPATUAN, MAGUINDANAO DEL SUR

  • Diane Hora
  • Nov 13, 2024
  • 1 min read

iMINDSPH



Nagtanim ng halos isang daang puno ang Provincial Government ng Maguindanao del Sur sa pangunguna ng tanggapan ni Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu.



Bahagi ito ng pakikiisa ng probinsya sa “Bayang Malinis” program.



Isinagawa ang tree planting sa Sitio Kapayapaan, Ampatuan, Maguindanao del Sur, araw ng Martes, November 12.



Ito ay isang simpleng paraan lamang anila, upang maipakita ng bawat kawani ng tanggapan, ang kahalagahan ng pagmamahal sa kalikasan.



 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page