Provincial Planning ng Maguindanao del Sur, aktibong lumahok sa 5th BARMM Planners Congress
- Diane Hora
- Oct 21
- 1 min read
iMINDSPH

Sa temang “Towards a Resilient BARMM: Advancing Inclusive Mobility through Integrated Transport Planning, Innovative Financing, and Strategic Investment,” ginanap noong October 16 hanggang 17 ang ika limang BARMM Planners Congress sa Davao City.
Layon ng dalawang-araw na Planners Congress na pagtibayin ang ugnayan ng mga planner, policymaker, development partner at mga pangunahing stakeholder sa buong Bangsamoro.
Aktibong lumahok dito ang Office of the Provincial Planning and Development Coordinator ng Maguindanao del Sur.
Tinalakay sa naturang pagtitipon ang mga strategic na hakbang upang tugunan ang mga hamon sa mobility, connectivity at sustainable development.
Ilan sa mga pangunahing paksa ang sustainable transport systems, climate-resilient infrastructure, inclusive mobility solutions, public-private partnerships at long-term investment strategies na mahalaga sa integrasyon at pag-unlad ng rehiyon.
Sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok ng OPPDC-MDS, nakakuha ang delegasyon ng mahahalagang kaalaman at innovations sa pagpaplano na maaaring ipatupad sa municipal at provincial level.
Tiniyak ng OPPDC ang kanilang buong suporta sa mga inisyatibong naglalayong isulong ang kapayapaan, kaunlaran at katatagan ng Maguindanao del Sur at Bangsamoro region.



Comments