Provincial Veterinarian Office ng MagNorte, isinagawa ang artificial insemination para mapahusay pa ang genetic quality at productivity ng livestock sa probinsya
- Diane Hora
- 3 minutes ago
- 1 min read
iMINDSPH

Bahagi ng patuloy na pagsusumikap ng Provincial Government ng Maguindanao del Norte ang isulong ang sustainable livestock development at mapahusay ang livelihood ng local farmers.
Bunsod nito, isinagawa ng Provincial Veterinarian ng Maguindanao del Norte ang matagumpay na artificial Insemination upang mapahusay pa ang genetic quality at productivity ng livestock sa lalawigan.
Sa ilalim ng programa, mabibigyan ang mga magsasaka ng access para mapaunlad ang breeding technology na tutulong sa pagtaas ng livestock production, at pagtiyak ng mas magandang herd genetics, at mapalago ang income opportunities sa mga rural communities.



Comments