top of page

Psychosocial Recovery pinalalakas ng MSSD para sa mga batang biktima ng sunog sa Bongao, Tawi-Tawi

  • Feb 24
  • 1 min read

iMINDSPH



Nagsagawa ang MSSD Bongao Unit Office ng Mental Health and Psychosocial Support Services (MHPSS) noong Pebrero 21, 2026, sa Tubig-Boh Evacuation Site para sa 50 batang naapektuhan ng sunog sa Barangay Lamion, bayan ng Bongao, na naganap noong Pebrero 3, 2026.


Ayon sa MSSD BARMM, isinagawa ang MHPSS sa pamamagitan ng mga child-friendly space activities tulad ng parlor games, pagsasayaw, at paggamit ng “feeling chart” o malikhaing pagpapahayag ng damdamin upang matulungan ang mga bata na mailabas ang kanilang emosyon at mabawasan ang stress na dulot ng kanilang karanasan.


Bukod dito, namahagi rin ang MSSD ng mga papremyo at pagkaing pambata bilang karagdagang suporta upang magbigay ng saya, aliw, at motibasyon sa mga kalahok.


Layunin ng aktibidad na magbigay ng agarang psychosocial support sa mga batang naapektuhan ng insidente at tulungan silang unti-unting makabangon mula sa trauma at takot na dulot ng sunog.


Ang MHPSS program ng MSSD ay mahalagang bahagi ng disaster response na nakatuon sa pangangalaga sa mental at emosyonal na kalagayan ng mga bata.


Sa pamamagitan ng mga structured at child-appropriate interventions, layon nitong maiwasan ang pangmatagalang epekto ng trauma at matulungan ang mga bata na maibalik ang kanilang pakiramdam ng kaligtasan, tiwala, at normal na pamumuhay matapos ang sakuna.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page