top of page

Public consultation hinggil sa panukalang hatiin ang MBHTE, MENRE AT MAFAR, gumulong na; Mga residente ng Tawi-Tawi, pinulsultan na kaugnay sa proposed measure

  • Jan 15
  • 1 min read

iMINDSPH

Inihayag ng mga residente ng Tawi-Tawi ang kanilang saloobin sa Parliament Bill Nos. 47, 48, at 102.


Ang mga panukala ay nagmumungkahi ng reorganization ng Ministry of Basic, Higher, and Technical Education (MBHTE), Ministry of Environment, Natural Resources, and Energy (MENRE), at Ministry of Agriculture, Fisheries, and Agrarian Reform (MAFAR).


Ang MBHTE, na itinuturing na pinakamalaking ministry sa BARMM, ay kasalukuyang nangangasiwa sa mahigit 1,120 public schools, 12 higher education institutions, mahigit 40 technical-vocational centers, at 365 madaris.


Layunin ng proposed restructuring na mapahusay ang management at supervision sa iba’t ibang education subsections.


Ayon kay Saipo Espiliro, ang paghahati ng MENRE sa dalawang ahensiya ay maaaring magpataas ng plantilla positions mula sa kasalukuyang 96.


Samantala, sinabi ni Jimson Jalilul na ang paghahati ng MAFAR sa tatlong ahensiya ay makatutulong upang matugunan ang mga operational gaps sa agrarian programs.


Natalakay rin ang PB No. 387, na nagmumungkahi ng pagbibigay ng fiscal autonomy sa Office of Settler Communities, Bangsamoro Information and Communications Technology Office, Bangsamoro Information Office, at Bangsamoro Darul-Ifta.


Ipinahayag ng mga stakeholder na ang mga panukala ay may potensyal na magdulot ng mas accessible political participation, mas streamlined ministry operations, at mas pinahusay na serbisyo para sa farmers, fisherfolk, at students.


Nagpatuloy ang public consultations sa mga panukalang batas ngayong araw ng Huwebes para sa mga stakeholder mula sa Cotabato City, Basilan, at Special Geographic Area.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page