Public consultation, ikinasa ng Committee on Health ng BTA Parliament kaugnay sa konstruksyon ng bagong ospital at pag-upgrade sa ilang pagamutan sa Maguindanao del Sur at Maguindanao del Norte
- Diane Hora
- Sep 3
- 2 min read
iMINDSPH

Ikinasa ng Committee on Health ng BTA Parliament ang public consultation para sa anim na panukalang batas kaugnay sa pagtatayo ng bagong ospital at pag-upgrade sa ilang pagamutan sa Maguindanao del Sur at Maguindanao del Norte.
Sa Maguindanao del Sur, isinusulong ng mga mambabatas ng BTA Parliament ang pagkakaroon ng 50-bed hospitals sa bayan ng Datu Piang at Talayan, at gawin namang 50 beds ang kasalukuyang 10-bed South Upi Municipal Hospital.
Sinabi ni Member of the Parliament Froilyn Mendoza, ang author ng Parliament Bill No. 120, kulang na ang 10 bed capacity ng South Upi municipal hospital kumpara sa demand para sa healthcare ng komunidad kung saan nagsisilbi ito sa mahigit 60,000 households sa bayan at kalapit munisipyo.
Malugod din itong tinanggap ni South Upi Vice Mayor Reynalbert Insular na nagsabing kinailangan pang bumiyahe ng mahigit isang oras ang mga residente para marating ang pinakamalapit na health facility.
Isinusulong naman ni MPs Susana Anayatin and Sittie Fahanie Uy-Oyod ang konstruksyon ng public hospital sa bayan ng Datu Piang, sa ilalim ng
PB No. 147.
Itinutulak naman ni MP Tawakal Midtimbang ang konstruksyon din ng 50-bed level hospital sa bayan ng Talayan sa ilalim ng PB No. 156.
Sinopurtahan ito ng health officer ng bayan na si Dr. Cristopher Val Padilla na nanawaga ng mas marami pang barangay health stations sa bayan.
Inendorso rin ni Maguindanao del Sur Board Member Walrito Bansigan ang panukala.
Tinalakay din sa public consultation ang dalawang panukalang batas na mag-a-upgrade sa Datu Odin Sinsuat District Hospital mula sa 50 patungong 100-bed capacity, at i-reinforce ang status nito bilang district hospital sa ilalim ng Republic Act 11330.
Habang sa bayan ng Buldon, ipinapanukala din ni MP Suharto Amboldoto ang pagkaakroon ng 25-bed capacity general hospital sa ilalim ng PB No. 233.



Comments