Public hearing, isinagawa ng Special Committee on Marawi Recovery, Reconstruction and Rehabilitation upang suriin ang progreso ng rehabilitasyon at matukoy ang mga puwang sa implementasyon
- Diane Hora
- Aug 5
- 2 min read
iMINDSPH

Kasong nalalapit na ang final stretch ng Bangsamoro Transition Authority (BTA)-
Pinalalakas pa ng Bangsamoro Parliamento ang legislative at policy efforts nito para mapabiis ang full recovery ng Marawi City, na patuloy pa ring bumabangon mula sa pinsalang dulot ng 2017 siege.
Nagkasa ng public hearing ang Special Committee on Marawi Recovery, Reconstruction and Rehabilitation sa lungsod, araw ng Lunes, August 4, 2025 upang suriin ang progreso ng rehabilitasyon at matukoy ang mga puwang sa implementasyon.
Kasama ng mga miyembro ng komite ang mga internally displaced persons (IDPs), civil society groups, local leaders, at humanitarian agencies.
Ayon kay Committee Chair MP Said Shiek, layunin ng konsultasyon na tiyakin na ang mga recovery efforts ay epektibong naipatutupad at nakaugat sa feedback mismo ng mga komunidad.
Ilan sa mga kasalukuyang proyekto sa ilalim ng Marawi Rehabilitation Program (MRP) ay kinabibilangan ng:
• Mahigit 600 permanent housing units
• Solar-powered water systems at renewable energy sources
• Community infrastructure gaya ng multipurpose halls, covered courts, at learning centers
Bukod dito, bahagi rin ng programa ang mga social interventions para sa IDPs tulad ng:
• Bangsamoro Sagip Kabuhayan Program na nagbibigay ng livelihood support sa 12,000 beneficiaries
• Financial assistance para sa mga hindi naitala sa mga naunang database ng gobyerno
• Microfinance support para sa mga magsasaka
• Livelihood and technical training
• Medical and rental assistance
• Educational cash aid
• Legal services at mobile health care
Binanggit din ni Shiek ang pagpasa ng Bangsamoro Autonomy Act No. 62, isang batas na kumikilala sa karapatan ng mga IDPs at nag-uutos sa gobyerno na magpatupad ng mga programang tutugon sa kanilang muling pagbangon.
Hinimok ng mga lumhok sa public hearing ang Parliament na gawing mas malawak pa ang MRP at i-expand ito bilang isang regionwide Bangsamoro Rehabilitation Program, upang maisama ang mga lugar sa Maguindanao del Norte, Maguindanao del Sur, at mga island provinces na apektado rin ng kaguluhan.
Tiniyak ng komite na magkakaroon ng coordination meeting sa pagitan ng mga ministeryo, implementing agencies, at mga LGUs upang pag-aralan ang estado ng recovery efforts at tukuyin ang mga agarang aksyong kailangang ipatupad.



Comments