Publiko, walang dapat ipangamba dahil isolated case at hindi umano sumasalamin sa pangkalahatang peace and order sa probinsya ng Maguindanao del Sur ang nangyaring ambush sa bayan ng Shariff Aguak
- Jan 27
- 1 min read
iMINDSPH

Nakipagpulong si Maguindanao del Sur ๐๐จ๐ฏ๐๐ซ๐ง๐จ๐ซ ๐๐๐ญ๐ฎ ๐๐ฅ๐ข ๐๐ข๐๐ญ๐ข๐ฆ๐๐๐ง๐ kay 6th ID at Joint Task Force Central Commander Major General Vladimir Cagara, Brigadier General Edgar Catu, at aPRO-BAR Regional Director PBGen Jaysen De Guzman, araw ng Lunes.
Tinalakay sa pulong ang ๐ง๐๐ ๐๐ง๐๐ฉ ๐ง๐ ๐ฉ๐๐ง๐๐ง๐๐ฆ๐๐๐ง๐ ๐ค๐๐ฒ ๐๐๐ฒ๐จ๐ซ ๐๐ค๐ฆ๐๐ ๐๐ฆ๐ฉ๐๐ญ๐ฎ๐๐ง ng bayan ng Shariff Aguak, araw ng Linggo.
Sa nasabing pagpupulong, masusing tinalakay ang kasalukuyang sitwasyon sa seguridad ng lalawigan, gayundin ang mga agarang hakbang na isinasagawa ng kapulisan at militar upang matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayan at maiwasan ang anumang kahalintulad na insidente sa hinaharap.
Ayon kay Governor Midtimbang, walang dapat ipangamba ang publiko sapagkat ang insidente ay itinuturing na isolated case at hindi sumasalamin sa pangkalahatang peace and order situation sa lalawigan. Tiniyak din ng Gobernador na mahigpit ang koordinasyon ng lokal na pamahalaan sa hanay ng pulisya at sandatahang lakas upang mapanatili ang kapayapaan, kaayusan, at seguridad sa buong Maguindanao del Sur.



Comments