Published materials hinggil sa BCARES at CP-GVB Referral Pathway, itinurn-over ng MSSD sa Bangsamoro Regional Hospital upang mapawalak pa ang kaalaman ng publiko sa mga serbisyo ng gobyerno
- LERIO BOMPAT
- 5 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Pinalalakas pa ng Ministry of Social Services and Development o MSSD at ng Bangsamoro Regional Hospital and Medical Center o BRHMC ang pagtutulungan para sa pagpapalawak ng kaalaman ng publiko sa mga serbisyo ng gobyerno,
Pormal na itinurn-over ng MSSD, sa pangunguna ng Information and Communications Division, ang mga published materials tungkol sa Bangsamoro Critical Assistance in Response to Emergency Situations (BCARES) at Child Protection–Gender-Based Violence (CP-GBV) Referral Pathway.
Ang BCARES ay naglalayong magbigay ng financial assistance, medical assistance, hospitalization support, at burial assistance para sa mga pamilyang dumaranas ng krisis. Sa mga ipinamahaging materyales, malinaw na nakasaad ang mga requirements sa pag-apply, mga opisina ng MSSD kung saan maaaring magtungo, at mga contact numbers para sa mga katanungan.
Samantala, ang CP-GBV Referral Pathway ay nagsisilbing sistematikong guide para sa mabilis na proteksyon at koordinasyon ng mga biktima ng pang-aabuso, lalo na ang mga kababaihan at kabataan.
Nakalagay dito kung saang mga ahensya maaaring magsumbong, ang mga hotline numbers, at ang mga tulong na maaaring makuha ng mga victim-survivors.
Ang mga materials ay personal na tinanggap ni BRHMC Hospital Chief Dr. Mohammad Ariff Baguindali, MD at Medical Social Work Section Head Shalimar Saribo.
Ayon kay MSWS Head Saribo, mahalaga ang kolaborasyong ito ng MSSD at BRHMC upang mas maiparating sa mga mahihirap na Bangsamoro na mayroong handang tulong ang pamahalaan para sa kanila.
Ang paglalagay ng mga published materials sa loob ng mga ospital ayon sa MSSD ay isang hakbang upang matiyak na ang bawat Bangsamoro na bumibisita sa pasilidad ay may sapat na kaalaman kung saan at paano hihingi ng tulong mula sa gobyerno.



Comments