top of page

Pulis arestado kasama ang isang driver at nasamsam ang 16 million pesos na halaga ng smuggled cigarettes sa operasyon ng awtoridad sa Zamboanga City

  • Sep 12, 2025
  • 1 min read

iMINDSPH



Pulis arestado kasama ang isang driver at nasamsam ang 16 million pesos na halaga ng smuggled cigarettes sa operasyon ng awtoridad sa Zamboanga City


Ikinasa ang operasyon, alas-1:30 ng madaling-araw, Huwebes, Setyembre 11, 2025.


Ikinasa ito ng pinagsanib na pwersa ng Zamboanga City Police Station 4 (ZCPS4) Intelligence Section, kasama ang 1st Special Operations Unit–Maritime Group, Zamboanga City Maritime Police Station, Special Operations Team–RMFB9, S3 Battalion RMFB9, at Tactical Support Company RMFB9 sa Sitio Bactus, Barangay Talabaan, Zamboanga City.


Ayon sa report, tinukoy na may-ari ng mga kontrabando ang isang 43-anyos na pulis na nakatalaga sa Jolo, Sulu Province.


Arestado rin ang isang 55-anyos na residente ng Lumiyap, Barangay Divisoria, Zamboanga City na nagsilbing driver ng sasakyan.


Nakumpiska sa operasyon ang isang Isuzu ELF Closed Van na kargado ng 282 master cases ng iba’t ibang klase ng sigarilyo na tinatayang nagkakahalaga ng ₱16,158,600.00.


Kasalukuyang nasa kustodiya ng ZCPS4 ang mga naarestong suspek, habang ang mga nakumpiskang sigarilyo at sasakyan ay na-turn over na sa Bureau of Customs para sa nararapat na disposisyon.


Pinuri ni PNP Acting Chief, Police Lieutenant General Jose Melencio C. Nartatez Jr., ang matagumpay na operasyon at binigyang-diin ang kahalagahan ng kampanya laban sa smuggling.


Tiniyak ng PNP sa publiko na pananagutin sa batas ang lahat ng sangkot bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na panatilihin ang integridad at propesyonalismo sa serbisyo.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page