top of page

Pulis at 3 iba pa, arestado sa Iligan City matapos masamsam sa kanilang sasakyan ang mga puslit na sigarilyo

  • Teddy Borja
  • Oct 14
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Nasabat ng PNP-HPG ang 150,000 pesos na halaga ng smuggled cigarettes nang magsagawa ng plate-spotting at anti-carnapping operation ang mga tauhan ng City Highway Patrol Team–Iligan sa kahabaan ng National Highway, Barangay Tubod.


Ayon sa PNP-HPG, pinara nila ang isang pick-up para sa isang beripikasyon pero imbes na tumigil ay dumirecho umano ang sasakyan.


Nagkahabulan man, ayon sa HPG, nasukol rin ang mga suspek at nakumpiska ang mga kahon ng puslit na sigarilyo. Nakumpiska rin ang Glock 17 Gen 4 9mm pistol na may markang PNP property.


Ang mga naarestong suspek ay dinala sa Police Station 4, Iligan City Police Office para sa dokumentasyon at pagsasampa ng kaukulang kaso.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page