Pulis na nakadestino sa PNP PRO BAR, arestado ng mga elemento ng PNP PRO 11 sa Davao City dahil sa paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act
- Teddy Borja
- Oct 14
- 1 min read
iMINDSPH

Alas 4:50 ng umaga, araw ng Lunes, October 13 nang ikasa ng mga tauhan ng PNP PRO 11 ang entrapment operation sa Roxas Avenue, Davao City kung saan arestado sa isang pulis na kinilala sa alyas na “Mohamad” na nakadestino sa PNP PRO BAR. Timbog din ang isang sibilyan na kinilala sa alyas na “James”.
Ayon sa PNP PRO 11, inaresto ang mga ito dahil sa illegal firearm activities. Nakumpiska ng PNP PRO 11 personnel sa operasyon ang-
Isang Cal. 5.56 M4 Bushmaster; isang Cal. 5.56 M4 Colt Defense; isang Cal. .45 Limcat; isang Cal. .45 Colt; isang 9mm Pietro Beretta na PNP Property; isang Cal. .45 magazines na may anim na mga bala; dalawang 9mm magazines na may apat na mga bala; walong 5.56 magazines na may labing isang mga bala; isang kotse, 1,000 peso bill, at 207 piraso ng printed ₱1,000 bills bilang boodle money.
Ang entrapment buy-bust operation ay pinangunahan ng Regional Intelligence Division 11 na bunga ng intelligence reports na nakalap sa pamamagitan ng Barangay Information Network o BIN.
Haharap ang mga naaresto sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Pinuri naman ni PNP PRO 11 Regional Director Joseph Arguelles ang matagumpay na operasyon.



Comments