top of page

Pulis, sugatan habang arestado ang Top 10 Most Wanted sa BARMM, matapos magkaputukan sa pagsisilbi ng warrant of arrest sa Bayang, Lanao del Sur; Baril at mga bala, nakumpiska sa operasyon

  • Diane Hora
  • 4 days ago
  • 1 min read

iMINDSPH


Sa report ng Police Regional Office BAR-


Naka-engkwentro ng mga tauhan ng CIDG Lanao del Sur at PNP PRO BAR ang nasa labinlimang armadong indibidwal sa kasagsagan ng pagsisilbi ng warrant of arrest laban sa Top 10 Most Wanted ng rehiyon, araw ng Linggo, April 27 sa Barangay Mapantao, Bayang, Lanao del Sur.


Sugatan sa palitan ng putok ang isa sa mga operating team. Nang humupa ang putukan, naaresto ng otoridad ang target sa operasyon at isa pang kasama nito na sugatan din.


Nakuha sa posesyon ng suspek ang isang Caliber 7.62 M14, steel magazine para sa M14 rifle; at pitong bala ng Caliber 7.62.


Dinala sa CIDG Lanao del Sur Provincial Field Unit ang mga naaresto para sa mga proper documentation at disposition.


Pinuri naman ni PNP PRO BAR Regional Director Romeo Macapaz ang kanyang mga tauhan sa matagumpay na operasyon.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page