top of page

Pusher, timbog sa buy-bust sa Cotabato City; Suspected shabu at drug paraphernalia, nasamsam

  • Teddy Borja
  • 2 days ago
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Isang lalaki ang naaresto sa isinagawang anti-illegal drugs buy-bust operation ng pulisya.


Isinagawa ang operasyon bandang alas-1:30 ng hapon, araw ng Biyernes, Enero 3, 2026, sa Purok Pindulunan, MB Poblacion, Cotabato City.


Kinilala ang suspek sa alyas na “Pangit”, 31 taong gulang, may asawa, self-employed, at residente ng nasabing lugar.


Ayon sa pulisya, nahuli ang suspek matapos umanong magbenta ng ilegal na droga sa isang police poseur buyer.


Narekober sa buy-bust ang isang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang Methamphetamine Hydrochloride o “shabu”, na may tinatayang bigat na 0.08 gramo at may standard drug price na ₱544.00.


Nasamsam din mula sa aktuwal na pag-iingat ng suspek ang buy-bust money na anim (6) na tig-₱100 bill na nagkakahalaga ng ₱600, isang improvised glass tube tooter, at isang lighter.


Ang mga nakumpiskang hinihinalang ilegal na droga ay ipapadala sa RFU-BARMM para sa laboratory examination at wastong pag-iingat.


Inihahanda na ng pulisya ang kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa suspek.


Ang operasyon ay pinangunahan ng Station Drug Enforcement Team (SDET) ng Police Station 2 sa pangunguna ni PCPT Anuar Mambatao, katuwang ang City Police Drug Enforcement Unit (CPDEU) ng Cotabato City Police Office, sa tulong ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-BARMM).

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page