Puslit na mga sigarilyo na nagkakahalaga ng 1.9 million pesos, nasabat sa isang checkpoint sa Lebak, Sultan Kudarat; 3 indibiwal na residente ng Cotabato City, arestado
- Teddy Borja
- Oct 6
- 1 min read
iMINDSPH

1.9 million pesos na halaga ng smuggled cigarettes, ang nasamsam ng awtoridad sa isang checkpoint operation.
Arestado rin sa operasyon ang tatlong indibidwal na mga residente ng Cotabato City.
Nasabat ang mga kontrabando, araw ng Huwebes, October 1 sa Sitio Pangawan, Barangay Christianuevo ng bayan.
Ang mga puslit na sigarilyo ay isinakay sa isang van na patungo sana ng Dalican, Maguindanao de Norte ayon sa awtoridad.
Kinilala ang mga naaresto na sina alyas “Jab”, 36-anyos, alyas “Amir”, 30 years old at alyas “Mark”, 26 taong gulang.
Ayon sa awtoridad, bigo ang mga ito na makapagpresenta ng legal na dokumento.
Agad dinala ang mga ito sa Lebak MPS para sa dokumentasyon at proper disposition.



Comments