Puslit na mga sigarilyo na nagkakahalaga ng P1.02M, kinumpiska ng awtoridad matapos madiskubre sa isang warehouse sa Polomolok, South Cotabato
- Teddy Borja
- Oct 23
- 1 min read
iMINDSPH

Nasamsam ng awtoridad ang 1.02 million pesos na halaga ng smuggled cigarettes matapos itong madiskubre sa isang warehouse.
Isinagawa ang operasyon araw ng Martes, October 21, 2025 sa Polomolok, South Cotabato.
Ayon sa awtoridad, nakatanggap sila ng report mula sa isang concerned citizen hinggil sa damaged package na nadiskubre sa J&T Warehouse, Purok 1, Brgy. Glamang, Polomolok.
Nang maberipika, natuklasan ang mga puslit na sigarilyo na may estimated Bureau of Customs standard value na 1,021,540.00 pesos.
Dagdag sa report, ang receiver ay kinilala sa alyas na “JR” ng Brgy. GPS, Koronadal City, at isang alyas “Adie” mula sa Brgy. Sinawal, General Santos City.
Nakapangalan ang sender ng package sa Shane Apparel.
Dinala na sa Polomolok MPS ang mga kontrabando para sa documentation at i-tuturn over na sa Bureau of Customs, General Santos City, para proper disposition.



Comments