top of page

Puslit na sigarilyo, nasamsam sa Kabacan, Cotabato; driver, arestado

  • Dec 30, 2025
  • 1 min read

iMINDSPH



Mahigit ₱141,000 na halaga ng smuggled cigarettes ang nasamsam ng mga awtoridad matapos maharang ang isang sasakyan sa checkpoint operation. Arestado rin ang driver ng sasakyan.

Naganap ang insidente bandang 11:15 ng gabi, Disyembre 27, 2025, sa checkpoint sa national highway ng Barangay Katidtuan, Kabacan, Cotabato.


Pinigil ng awtoridad ang isang SUV na minamaneho ng isang lalaki na kalauna’y kinilalang si alyas “Nasir,” 29 anyos, residente ng Barangay Inug-ug, Pagalungan, Maguindanao del Sur.


Sa inspeksyon, tumambad sa plain view ang mga kahon ng hinihinalang smuggled cigarettes, dahilan upang agad siyang arestuhin.


Isinagawa ang marking at inventory ng mga ebidensya sa lugar ng pag-aresto sa presensya ng barangay official, ng suspek, at ng mga operatiba.


Matapos ang dokumentasyon, dinala ang suspek, pati na rin ang mga nasamsam na sigarilyo at ang sasakyan, sa Kabacan Municipal Police Station para sa kaukulang disposisyon. Sumailalim din ang suspek sa medical examination bago tuluyang ilagay sa kustodiya ng pulisya.


Isinagawa ang operasyon ng Kabacan Municipal Police Station at 2nd Cotabato Provincial Mobile Force Company, katuwang ang RID 12 Tracker Team Echo at 1203rd Maneuver Company ng RMFB 12, base sa intelligence information hinggil sa umano’y pagbiyahe ng puslit na sigarilyo mula Matalam patungong Kabacan.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page