Quick Response Team (QRT), imo-mobilize na sa ilalim ng Public Safety Office ng Cotabato City Government bilang auxillary force ng CCPO
- Diane Hora
- Oct 10
- 1 min read
iMINDSPH

Sa bisa ng Executive Order No. 188, s. 2025, binuo ang Quick Response Team o QRT sa ilalim ng Public Safety Office bilang auxiliary force ng Philippine National Police sa lungsod ng Cotabato.
Ang kautusan ay inilabas matapos ang naitalang pamamaril noong a-kwatro ng Oktubre kung saan nasawi ang Sangguniang Kabataan Chairperson ng Poblacion 5 at kapatid nito.
Layunin ng QRT na tumulong sa pagpapanatili ng peace and order, crowd control, traffic management at emergency response sa iba't ibang bahagi ng lungsod.
Nakasaad din sa EO na ang QRT ay hindi maaaring magsagawa ng pag-aresto o imbestigasyon at mananatili itong nasa ilalim ng mahigpit na superbisyon ng PNP at Public Safety Office.
Isasailalim naman sa komprehensibong training at orientation kasama ang PNP ang mga miyembro ng QRT upang matiyak ang kaalaman sa kanilang tungkulin at mga limitasyon.
Nauna nang sinabi ni Cotabato City Mayor Bruce Matabalao na prayoridad ang seguridad sa lungsod upang maisulong ang mas ligtas at mas mapayapang Cotabato City.



Comments