top of page

Qur’an readers, memorizers at community leaders, nagtipon sa Qur’an Reading and Memorization bilang bahagi ng selebrasyon ng ikatlong taong anibersaryo ng Maguindanao del Norte

  • Diane Hora
  • Sep 4
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Nagsama-sama ang mga Qur’an readers, memorizers (Huffaz), at community leaders sa ginanap na Qur’an Reading and Memorization bilang bahagi ng selebrasyon ng ikatlong taong anibersaryo ng Maguindanao del Norte.


Ayon sa pamahalaang panlalawigan, ito ay pagtitipon sa diwa ng malalim na pananampalataya, debosyon, at disiplina.


Higit pa sa pagdiriwang ng kaalaman sa Qur’an, ang pagtitipon ayon sa provincial government ay nagsilbing paalala umano sa pananagutan na isabuhay ang mga pagpapahalaga ng Qur’an sa pang-araw-araw na buhay tulad ng pagkakaisa, malasakit, at katuwiran.


Ang buong programa ay naisakatuparan sa pamamagitan ng malinaw na bisyon at suporta ni Governor Datu Tucao Mastura.


Ayon sa provincial government, ang pamumuno ng gobernador na nakaugat sa prinsipyo ng Islam at matibay na paninindigan na paunlarin ang Islamic Education and Moral Governance, ay patuloy umano na nagsisilbing inspirasyon para sa buong Bangsamoro region.


Umaasa ang pamahalaang panlalawigan na ang pagtitipong ito ay magbigay-sigla at magpasiklab ng mas matinding pagnanasa sa mga kabataan at mga pinuno na pag-aralan, isabuhay, at panatilihin umano ang mga turo ng Qur’an para sa ikabubuti ng komunidad


Congratulations sa mga nanalo sa kompetisyon.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page