Ramadan Trade Fairs sa Cotabato City dinarayo ng mga Cotabateño kung saan tampok ang iba’t ibang produkto tulad ng pagkain
- Feb 23
- 1 min read
iMINDSPH

Bukas na ang tatlong pangunahing Ramadan trade fairs sa Cotabato City sa Bagua 2, sa City Hall Grounds, at sa loob ng Bangsamoro Government Center.
Makikita ang iba’t ibang stall na patuloy na dinadagsa ng mga mamimili at bisita tuwing gabi.
Iba’t ibang pagkain, inumin, kasuotan, at iba pang produkto ang iniaalok sa bawat trade fair.
Ayon sa ilang bumisita, kakaiba ang karanasan sa paglibot sa trade fair lalo na pagkatapos ng Iftar.
Bukod sa pagkakataong mamasyal at magkakasama ang magpapamilya at kaibigan, malaking tulong din ang trade fair sa mga Micro, Small, and Medium Entrepreneurs sa lungsod.



Comments