RAMADHAN PAKARADJAAN LECTURE SERIES Dinagsa ng tinatayang 6,000 indibidwal na ginanap sa Tuburan Mini Gym sa Basilan
- Mar 10
- 1 min read
iMINDSPH

Napuno ng mga mga residente, mag-aaral, at mga lider ng komunidad ang buong gym upang makibahagi sa talakayan hinggil sa pananampalataya sa panahon ng banal na buwan ng Ramadan, Linggo ng umaga, Marso 8.
Ang symposium ay inorganisa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Basilan sa pakikipagtulungan ng Basilan Ulama Supreme Council bilang bahagi ng serye ng Ramadhan Pakaradjaan Lecture ng #TeamKapitolyo.
Kabilang ito sa mga pangunahing aktibidad sa pagdiriwang ng ika-52 Founding Anniversary ng Lalawigan ng Basilan at ng Tennun Pakaradjaan sa Ramadhan BasilanAtin 2026.
Sa naturang pagtitipon, binigyang-diin ng mga tagapagsalita ang kahalagahan ng pagpapalalim ng kaalaman sa relihiyon at pagpapatibay ng pananampalataya, lalo na ngayong Ramadan.
Nagsilbing pangunahing tagapagsalita sina Prof. Alzad Sattar at Sheikh Abdulmuhmin Mujahid, habang nagsilbing moderator si Ust. Abdulgani Muhammad ng Kulliyatut Tarbiyyah Wadda’wah al-Islamiyyah ng Basilan Islamic College sa Lamitan.
Ayon sa mga organizer, ipinakita ng malaking bilang ng mga dumalo ang matibay na pagkakaisa at pagpapahalaga ng mga Basileño sa pananampalataya at edukasyong panrelihiyon.
Bilang pasasalamat sa mga dumalo, namahagi rin ng bigas ang pamahalaang panlalawigan ng Basilan sa pangunguna ng People’s Governor bilang munting handog sa mga nakibahagi sa programa.



Comments