Reading skills, numeracy ng mga bata at birth certificates, mga problema na natuklasan sa Basilan sa First Quarter Local School Board meeting; agresibong reading interventions at seryosong training ng
- Diane Hora
- 5 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Pinangunahan ni Gov. Mujiv Hataman ang First Quarter Local School Board meeting para harapin, head on, ang mga totoong bottleneck sa classrooms ng Basilan tulad ng birth certificates, reading skills at numeracy ng mga bata.
Ayon sa pamahalaang panlalawigan, lumabas sa reports ng mga guro na may improvement sa literacy at numeracy gamit ang Phil-IRI at CRLA, pero mababa pa rin ang overall levels.
Sa direksyong tatahakin ng provincial government, ipatutupad ang mas agresibong reading interventions at mas seryosong training sa beginning reading para sa mga guro, lalo na para maiangat ang mga low emerging learners at maging handa ang mga bata.
Sosolusyonan din ang problema sa mga mag-aaral na wala pang birth certificate kung saan ayon sa pulong ay magbibigay ang #TeamKapitolyo ng free preparation at notarization ng affidavits para tuloy-tuloy ang school records at enrollment.
Tinalakay din sa meeting ang kahandaan ng student-athletes para sa Palarong BARMMAA at ZPRAA 2026.
Ayon kay Gov. Mujiv kasama ang LSB, slowly but surely aniya ang target nila pagdating sa pagpapatupad ng mga reporma para sa edukasyon sa #Basilan.



Comments