top of page

RECOGNIZED PRIVATE HIGHER EDUCATION INSTITUTIONS SA BARMM Inilabas ng MBHTE-BARMM ang listahan; mga wala sa listahan, itinuturing na illegal

  • Apr 9
  • 1 min read

iMINDSPH

Inilabas ng MBHTE -BARMM ang listahan ng mga Private Higher Education Institutions na kinikilala at legal base sa datos ng Higher Education Management Information System o HEMIS, nitong Abril a 8, 2026.


Sa naturang listahan, mayroong labindalawang paaralan sa Maguindanao del Sur, sampu sa Maguindanao del Norte, dalawampu sa Cotabato City, labinlima sa Lanao del Sur, at dalawampu’t pito sa Marawi City.


Mayroon ding anim na kinikilalang institusyon sa Basilan, lima sa Lamitan, at walo sa Tawi-Tawi, na nagpapakita ng patuloy na pagpapalawak ng access sa higher education sa rehiyon.


Samantala, may mga naitalang inactive higher education institutions para sa taong 2025–2026. Kabilang dito ang tatlumpu mula sa Lanao del Sur, tig-isa mula sa Basilan at Maguindanao del Sur.


Ilan sa mga nasa listahan ng inactive institutions ay ang Adiong Memorial College Foundation, Advanced Southern Institute Access to Information and Management, Al Abdullah Science and Agronomy Integrated College Incorporated, Asma Khadija Islamic Academy o AKIA, Bubong Marzok Memorial Foundation College, Central Basak Islamic Regional College, Dhayfullah Islamic Institutte Foundation, Inc., General Diamongan K. Mangondato College of Agriculture and Fisheries, Hadji Abdulmalik Guiling College, Inc., Lanao Global Cultural Academy, Inc., Mariam School of Nursing, Montashir Islamic Colleges, Pacasum College, South Upi College, Wisdom International School for Higher Education Studies.


Ayon sa pamunuan ng MBHTE-BARMM, ang anumang pribadong higher education institution na hindi kasama sa inilabas na opisyal na listahan ay ituturing na iligal ang operasyon sa loob ng Bangsamoro Region.



 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page