top of page

RECORDS OF DISCUSSION Nilagdaan ni ICM Macacua sa pagitan ng JICA para sa proyekto na magpapalakas ng Management Capacity ng Road Network Improvement at Maintenance sa BARMM

  • Mar 5
  • 1 min read

iMINDSPH



Nilagdaan ni BARMM Interim Chief Minister Chief Minister Abdulraof Macacua ang Record of Discussions sa pagitan ng Bangsamoro Government at ng Japan International Cooperation Agency (JICA) para sa proyekto na magpapalakas pa ng Management Capacity ng Road Network Improvement at Maintenance sa BARMM.


Isinagawa ito, araw ng Miyerkules, March 4 sa pagitan ni Soichiro Ide, Senior Representative ng JICA Philippines, at Airi Iizuka, Project Formulation Advisor ng JICA Philippines.


Dumalo rin sa signing si Acting Senior Minister, Abdullah Cusain, Engr. Danilo Ong, Director General ng Bangsamoro Ministry of Public Works, at Engr. Salonga Sumampao.


Susuportahan ng kooperasyong ito ayon kay ICM Macacua ang pagpapalakas ng sistema para sa road planning, infrastructure management, at maintenance sa buong Bangsamoro region.


Sa pamamagitan ng improved data systems, technical assistance, at institutional support, sinabi ng opisyal na layunin nito na matiyak na ang road networks ay napapaunlad ng mahusay at napapanatili.


Ang ganitong pagtutulungan ayon sa opisyal ay nakakatulong umano sa pagtatag ng

capable institutions at paghahati ng infrastructure na nag-uugnay sa komunidad, sumusuporta sa economic activity, at nagpapahusay ng buhay ng mga tao.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page