REFRESHER COURSE TRAINING Isinagawa para sa 561 sports official sa gaganaping BARMMAA 2026
- Apr 10
- 1 min read
iMINDSPH

Isinagawa ang Refresher Course Training para sa mga technical officials na magsisilbi sa BARMMAA Meet 2026 sa Notre Dame of Parang.
Inihiwa-hiwalay ang mga ito ayon sa bawat sports event upang matiyak ang mas epektibong pagkatuto at paghahanda.
Layunin ng training na mapahusay ang kaalaman at kasanayan sa officiating, ma-update ang mga opisyal sa kasalukuyang policies at guidelines, mapalakas ang values ng fairness, safety, at professionalism sa sports competitions.
Ayon sa organizers, ang mga Tournament Managers ang mangangasiwa sa implementasyon ng kani-kanilang events, alinsunod sa itinakdang training matrix.
Mahigpit ding ipinatutupad ang patakaran na walang proxy participation, at tanging ang mga opisyal na makakakumpleto ng 3-day course ang papayagang mag-officiate sa BARMMAA Meet 2026.



Comments