Regional level most wanted person ng PNP PRO 12 na nahaharap sa kasong statutory rape, nadakip sa Malapatan, Sarangani
- Jan 5
- 1 min read
iMINDSPH

Huli ang Top 9 Regional Level Most Wanted Person na nahaharap sa kasong statutory rape matapos isilbi ng awtoridad ang warrant of arrest.
Kinilala ang suspek sa alyas na “Bro”, 38 taong gulang, may asawa, at residente ng Barangay Sapu Padidu, Malapatan, Sarangani Province.
Inaresto ito sa bisa ng mga warrant of arrest kaugnay ng dalawang kaso ng statutory rape sa ilalim ng Revised Penal Code, na inisyu ng Regional Trial Court Branch 10, 12th Judicial Region, Sarangani noong Nobyembre a-5, 2025, na walang piyansa.
Isinagawa ang operasyon ng pinagsanib na puwersa ng Malapatan Municipal Police Station bilang lead unit na pinangunahan ni PMAJ Lloyd Levin Caigas, kasama ang mga tauhan ng Maitum MPS, Provincial Intelligence Unit ng Sarangani PPO, Regional Intelligence Unit 12, at 1st Sarangani Provincial Mobile Force Company.
Ang suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Malapatan Municipal Police Station para sa wastong dokumentasyon at disposisyon.
Binigyang-diin ng Sarangani Police Provincial Office na ang pagkakaaresto sa suspek ay patunay ng kanilang matatag na paninindigan na papanagutin ang mga indibidwal na lumalabag sa batas.



Comments