Regional-level target at tatlong kasamahan nito, arestado; Drug den sa lugar, sinira
- Jan 8
- 1 min read
iMINDSPH

Apat na indibidwal, kabilang ang isang itinuturing na regional-level target, ang naaresto matapos ang ikinasang buy-bust operation kung saan sinira din ang isang drug den sa lugar
Isinagawa ang buy-bust operation alas-10:20 ng umaga, araw ng Miyerkules, sa Barangay Rosary Heights 11, Cotabato City.
Kinilala ang mga suspek sa alyas “Kamlon”, alyas "Datu", "Ammer", at "Ammad".
Nasamsam mula sa mga suspek ang kabuuang 17 gramo ng hinihinalang shabu, na may tinatayang street value na ₱17,000 at standard value na ₱115,600. Kabilang dito ang isang sachet na ginamit bilang object of sale at labing-walong sachet na object of possession.
Narekober din sa operasyon ang iba’t ibang drug paraphernalia tulad ng improvised sealer, glass tooter, aluminum foil, weighing scale, disposable lighters, gunting, cellphone, at buy-bust money na ₱1,000 bill at boodle money.
Pinangunahan ng Philippine Drug Enforcement Agency BARMM ang operasyon, katuwang ang iba’t ibang yunit ng Philippine National Police
Isinailalim sa wastong marking, inventory, at dokumentasyon ang lahat ng nakuhang ebidensya.
Ang mga suspek ay nahaharap sa mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments