top of page

Regional level Top 9 Most Wanted Person, arestado sa Pagalungan, Maguindanao del Sur dahil sa kasong rape

  • Teddy Borja
  • 7 days ago
  • 1 min read

iMINDSPH



Himas rehas ang isang most wanted person matapos maaresto sa isinagawang joint police operation ng mga awtoridad.


Kinilala ang naaresto sa alyas na “Ibrahim”, na kabilang sa Regional level Top 9 Most Wanted Person.


Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court ng Kabacan, Cotabato noong May 16, 2022, nahaharap ito sa kasong rape na walang inirekomendang piyansa dahil sa bigat ng naturang krimen.


Matapos ang pagkakaaresto, ang akusado ay dinala sa Kabacan Municipal Police Station para sa wastong dokumentasyon at disposisyon bago isumite sa korte na naglabas ng warrant.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page