REGIONAL TARGET LIST PERSONALITY, ARESTADOSa isinagawang anti-illegal drugs operation sa Barangay Sarmiento, Parang, Maguindanao del Norte
- Mar 23
- 1 min read
iMINDSPH

Ang suspek ay kinilalang si alyas “Charlie”, 49-anyos, na kabilang sa Regional Target List.
Nasamsam sa operasyon ang labing-anim (16) na heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng tinatayang 26 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na umaabot sa ₱176,800.
Narekober din ang buy-bust money, iba’t ibang drug paraphernalia, isang identification card, at isang Android mobile phone na pinaniniwalaang ginamit sa ilegal na transaksyon ng suspek.
Pinangunahan ang operasyon ng PDEA Maguindanao del Norte Provincial Office at Regional Special Enforcement Team, katuwang ang PNP Provincial Intelligence Team Maguindanao del Norte at Regional Intelligence Unit 15.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng PDEA-BARMM Jail Facility ang suspek at naghihintay ng inquest proceedings para sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments