top of page

REGIONAL TOP PRIORITY DRUG PERSONALITY Timbog sa anti-illegal drug operation sa Davao City; P1,360,000 halaga ng suspected shabu, nasamsam

  • Apr 14
  • 1 min read

iMINDSPH

Sa Davao City—

Mahigit isang milyong piso na halaga ng suspected shabu ang nakumpiska at arestado ang Isang regional top priority drug personality sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya.


Kinilala ang naarestong suspek na si alyas “Jamil”, isang regional-level top priority drug personality.


Sa operasyon, nakabili ang poseur buyer ng hinihinalang shabu na may tinatayang street value na ₱1,360,000.00.


Agad na inaresto ang suspek matapos ang transaksyon.


Isinagawa ang buy-bust operation ng CDEU/SOG-DCPO sa koordinasyon ng RPDEU XI, 1st at 2nd City Mobile Force Companies, Bunawan Police Station, at PDEA Region XI.


Ipinaalam sa suspek ang kanyang mga karapatan at sasailalim sa kaukulang proseso habang inihahanda ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 laban sa kanya.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page