Registration amnesty, isasagawa ng BLTO bilang bahagi ng 7th Bangsamoro Foundation Day
- Jan 14
- 1 min read
iMINDSPH

Makikinabang ang libo-libong motorista sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao matapos ihayag ng Bangsamoro Land Transportation Office ang pagpapatupad ng Amnesty Program 2026 bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Bangsamoro Foundation Day.
Layunin ng programa na pagaanin ang pasanin ng mga may-ari ng sasakyan sa pamamagitan ng pag-alis ng penalty sa late renewal ng rehistro para sa mga motor vehicle at motorsiklo na paso na ang rehistro.
Ayon sa BLTO, lahat ng may-ari ng motor vehicles at motorcycles na may expired na rehistro ay kwalipikado sa amnestiya. Sa ilalim ng programa, hindi na sisingilin ang late renewal penalty. Ang babayaran na lamang ay ang Motor Vehicle User’s Charge (MVUC), mga standard fees, at iba pang kaukulang singilin kung mayroon man.
Ang amnesty ay ipatutupad mula Enero 21 hanggang 30, 2026 (working days) at maaaring i-avail sa lahat ng BLTO District at Extension Offices sa buong Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Hinikayat ng BLTO ang publiko na samantalahin ang limitadong panahon ng amnestiya at ibahagi ang anunsyong ito upang mas maraming motorista ang makinabang sa serbisyong handog ng pamahalaan.V



Comments