Registration ng Online Campaign Platforms para sa BARMM Parliamentary Elections sa Oktubre 13, 2025, binuksan muli ng COMELEC
- Diane Hora
- 5 hours ago
- 1 min read
iMINDSPH

Inanunsyo ng Commission on Elections (COMELEC) ang muling pagbubukas ng registration para sa mga Online Campaign Platforms ng mga kandidato at partido na lalahok sa darating na BARMM Parliamentary Elections sa Oktubre 13, 2025.
Batay sa COMELEC Minute Resolution No. 25-0786 na inilabas a-4 ng Hulyo 2025, ang hakbang na ito ay bahagi ng layunin ng ahensya na tiyaking transparent at maayos ang paggamit ng social media at iba pang online platforms para sa pangangampanya.
Magsisimula ito sa July 14 hanggang August 14, 2025 mula alas 8:00 ng umaga hanggang ala-5:00 ng hapon, Lunes hanggang Biyernes lamang.
Lahat ng kandidato at partidong politikal ay inaabisuhang irehistro ang anumang online platform na kanilang gagamitin para sa pangangampanya, kabilang na ang mga website, Facebook pages, YouTube channels, TikTok accounts, at iba pa.
Comments