RELIEF ASSISTANCE hatid ng MSSD para sa 530 Internally Displaced Persons sa Nabalawag, SGA
- Apr 14
- 1 min read
iMINDSPH

Tiniyak ng MSSD ang tuloy-tuloy na suporta sa 530 internally displaced persons o IDPs sa Nabalawag sa pamamagitan ng pamamahagi ng family food packs, jerry cans, water rationing, at community mobile kitchen.
Isinagawa ito noong Abril 7–8, 2026 sa Dabpil Sampulna Elementary School, Brgy. Olandang.
Bawat pamilya ay nabigyan ng food packs na may de-latang pagkain at kape, at jerry cans para sa water rationing.
Kasabay nito, inilunsad ang community mobile kitchen ng World Food Programme o WFP na nagbigay ng mainit na arroz caldo sa mga IDPs at karagdagang suplay ng bigas.
Layunin ng aktibidad na matugunan ang pangunahing pangangailangan ng mga IDPs habang patuloy ang suporta para sa kanilang pagbabalik sa normal na pamumuhay.



Comments