Relief goods, agad ipinamahagi ng Project TABANG sa mga residenteng apektado ng baha sa iba’t ibang bayan sa Maguindanao del Sur
- Diane Hora
- May 22
- 1 min read
iMINDSPH

Agad ipinag-utos ni Interim Chief Minister Abdulraof Macacua ang paghatid ng relief goods sa mga sinalanta ng baha sa iba’t ibang bayan sa lalawigan ng Maguindanao del Sur.

Ito sa pamamagitan ng Project TABANG.

Tinungo ng mga kawani ng Project TABANG ang mga bayan ng Datu Saudi, Datu Salibo, Datu Hoffer, at Datu Piang para tingnan ang sitwasyon.

Nagdeklara na ng State of Calamity ang bayan ng Datu Piang, araw ng Miyerkules, May 21.

Bukod sa Project TABANG-

Agad rin aniyang umaksyon ang BARMM READi Quick Response Team at agad rumesponde sa hiling ng MDRRMO Datu Anggal Midtimbang na ilikas ang mga na-trap na pamilya doon.

Patuloy din aniya ang monitoring ng BARMM Government sa mga nasalantang munisipyo.
Namahagi rin ayon sa opisyal ang MSSD ng food at non-food items sa Ampatuan, Datu Piang, at Datu Anggal Midtimbang simula pa aniya noong May 18.
Mahigit 1,300 na pamilya ang nasa 10 na magkakahiwalay na evacuation centers sa nasabing mga munisipyo.
Comments