Relief goods at essential medicines, hatid ng Project TABANG sa mga biktima ng sunog sa Bongao, Tawi-Tawi
- Diane Hora
- 5 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Alinsunod sa naging direktiba ni BARMM Interim Chief Minister Abdulraof “Sammy Gambar” Macacua, hatid ng Project TABANG ang tulong sa mga apektado ng sunog sa Barangay Lamion, Bongao, Tawi-Tawi.
Kabilang sa mga tulong na ipinaabot ng BARMM government ay ang relief goods at essential medicines.
Ipinag-utos din ni ICM Macacua sa mga concerned minsitries, agencies at offices partikular sa BARMM READi at Project TABANG na mahigpit na makipag ugnayan sa provincial government ng Tawi-Tawi upang matiyak ang maagap na pagtugon.



Comments