Relief mission, isinagawa ng provincial government ng South Cotabato sa mga biktim ng lindol sa Manay, Davao Oriental
- Diane Hora
- Oct 13
- 1 min read
iMINDSPH

Matapos magtungo sa Cebu, hatid din ng South Cotabato Provincial Government ang tulong para sa mga biktima ng 7.6 magnitude na lindol sa Manay, Davao Oriental.
Dumating na sa bayan ng Manay ang tulong mula sa South Cotabato Provincial Government.
Nanguna sa paghatid ng tulong ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office.
Ang mga food packs ay agad na itinurn over sa LGU Manay upang mabilis na maipahagi sa mga apektadong residente.
Ayon kay South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo, Jr., isa itong hakbang nang pagmamalasakit para sa mga karatig-probinsiya sa oras ng sakuna.



Comments