Renovated Public Terminal sa Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao del Sur, pinasinayaan na sa ilalim ng Padiyan Program ni Gov Datu Ali Midtimbang
- Diane Hora
- Oct 14
- 1 min read
iMINDSPH

Tuluy-tuloy ang mga pagbabagong sinisimulan sa ilalim ng liderato ni Mayor Datu Bassir Banjo Dimaukom sa bayan ng Datu Saudi Ampatuan.
Kahapon, pormal na pinasinayaan ang renovated public terminal ng bayan.
Inilunsad na rin ang Padiyan Program na isang programa ni Maguindanao del Sur Governor Datu Ali Midtimbang at ang Early Warning and Early Response Center ng Ministry of Public Order and Safety.
Ayon sa alkalde, ang tagumpay na makuha ang boto ng taumbayan ay inspirasyon upang mas pagbutihin pa ang serbisyo publiko sa kanilang bayan.
Inaasahan naman na makakatulong sa pag-unlad ng ekonomiya at pagpapanatili ng kapayapaan sa Datu Saudi Ampatuan ang mga proyekto at programa ng gobyerno.



Comments