top of page

REP. ZIA ADIONG AT REP YASSER BALINDONG, KAKANDIDATO MULI SA 1ST AT 2ND DISTRICT NG LANAO DEL SUR

iMINDSPH



Kakandidato muli si Lanao del Sur First District Congressman Zia Alonto Adiong at Congressman Yasser Alonto Balindong ng 2nd District ng Lalawigan. Pormal na naghain ang mga ito ng kanilang Certificate of Candidacy.



Pormal nang naghain ng kanilang Certificate of Candidacy at Certificates of Nomination and Acceptance o CONA si Representative Zia Alonto Adiong at Representative Yasser Alonto Balidong, araw ng Lunes, October 1.



Kakandidato muli ang dalawang kongresista para sa una at ikalawang distrito ng Lanao del Sur.



Ito ay sa ilalim ng nagkakaisang partido ng Serbisyong Inklusibo-Alyansang Progresibo o 𝗦𝗜𝗔𝗣, 𝗟𝗔𝗞𝗔𝗦-𝗖𝗠𝗗 at 𝗢𝗠𝗣𝗜𝗔 𝗣𝗔𝗥𝗧𝗬.


Kasama din na naghain ng kanilang COC ang mga alkalde, bise alkalde, konsehal at board members mula sa tatlumpo’t siyam na bayan at isang syudad ng probinsya.

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page